Daring to live life to the fullest

Mahalin mo ang Pare ko...

Table of Contents
    Di mo ako masyadong kilala
    at di rin kita masyadong kilala
    Pero naniniwala ako sa iyo
    at sa kakayahan mo

    Hindi ako isang kaaway
    at mas lalong hindi rin ako mang-aagaw
    Dahil masaya ako sa kung ano ako
    Sana maging masaya ka sa kung anong nsa iyo

    Kung nasaktan man kita
    O kung ano pa
    Pasensya na
    Hindi ko naman sinasadya

    Hindi mo na kailangan
    magtago ng alinlangan
    magtiwala ka lamang
    Sa iyong nararamdaman

    Masuwerte sya,
    Ako'y kaibigan nya.
    Masuwerte ka,
    Mahal ka nya.

    Ito lamang ang tandaan mo
    Mahalin mo ang Pare ko...
    Dahil pag sya'y iyong niloko
    Kurot sa singit ang aabutin mo


    *for jc
    FB TW LN