Featured Post

If You Dare Vlog Teaser

Pakikipagsapalaran

Kanina pa ako ganito, di mapakali ang isipang tuliro
sari-saring pangyayari ang sa aki'y gumugulo.
Isang maestro-obra lang ang nais ko
upang ang lahat ay makuntento, subalit paano?

Ako'y isang taong nakikipagsapalaran
sa mga papel na walang kalaman-laman
sa mga metapora at sari-saring literatura
na maya't-maya ay nais umalagwa.

Lapis na di alam papunta at pudpod na pambura
ang aking kaulayaw sa aking pag-iisa.
Isama mo pa ang aking utak sa napundi na ata
sa kakaisip ng mga 'alang kwentang katha.

Hay, kelan ba ako makakagawa
ng isang kaiga-igayang tula?
Ito lang ang sumamo ng abang puso ko
upang kahit ilang minuto'y makatulog na ako ...

October 16, 2001
Library of EACIT